Sa MoneyGram (ang “kami,” “amin/g” at “namin/g” ay tutukoy sa ispesipikong kompanya na iyong kaungayan, at ang “MoneyGram” ay tutukoy sa grupo ng kompanya ng MoneyGram), iginagalang namin ang iyong pagkapribado at nakatuon sa responsableng pag-asikaso sa iyong personal na datos at alinsunod sa naaayong batas.
Ang Paunawang ito ay nalalapat sa "iyo" kapag nakipag-ugnayan ka sa amin bilang aming customer, kapag ginagamit mo ang aming money transfer, iba pang pinansyal na serbisyo sa buong mundo kabilang ang non-custodial wallet gamita ang aming mobile app, o anumang iba pang serbisyong ibinibigay namin, hal., ang rewards loyalty program, sa direkta man, hal., gamit ang mga digital platform, mobile application, website, o mga retail na lokasyon at ang aming mga agent o iba pang partner (“mga Serbisyo”), o kapag kokontakin mo kami sa aming mga call center o online, o kapag nakigpag-ugnayan ka sa amin sa social media, o tumanggap ka ng aming mga komunikasyon sa marketing, o mag-a-apply ka para maging agent namin.
Ipinaliliwanag ng Abisong ito kung paano namin ginagamit ang iyong personal na dato: anong impormasyon ang kinokolekta namin tungkol sa iyo, bakit namin ito kinokolekta, ano ang ginagawa namin rito, at ano ang iyong karapatan tungkol sa paggamit ng iyong datos. Makikita sa ibaba ang impormasyon tungkol sa:
- Sino ang tagakontrol ng datos
- Sino ang opisyal sa proteksyon ng datos
- Anong kategorya ng mga personal na datos ang aming pinoproseso
- Bakit namin kinokolekta, ginagamit, at tinatago ang iyong personal na datos
- Paano namin ibinabahagi ang iyong personal na datos
- Paano namin inililipat ang iyong personal na datos sa mga bansang third world
- Paano namin pinananatili ang iyong personal na datos
- Ano ang aming pamantayan sa seguridad ng impormasyon
- Ano ang iyong mga pagpipilian at karapatan
- Paano ka magpapadala ng reklamo sa isang namamahalang awtoridad
- Gumagawa ba kami ng mga awtomatikong desisyon
- Paano namin ipapaalam ang mga pagbabago sa Abiso na ito
- Paano makipag-ugnayan sa amin,
- Lokal na supplement.
Anumang kaso ng pagproseso ng personal na datos ng MoneyGram ay nasa ilalim ng mga kinakailangan ng aplikableng lokal na batas at, sa kaso na ang Abisong ito ay taliwas sa batas ng iyong bansa, ang lokal na batas ang mamamayani. Maaari kaming magdagdag ng mga lokal na karagdagan sa Abisong ito na sumasakop sa mga ispesipikong lokal na problema.
Maaari rin kaming magbigay ng karagdagang Impormasyon kapag kami ay nagkolekta ng personal na datos, kung saan pakiramdam namin ito ay makakatulong na magbigay ng kaugnay at napapanahong impormasyon.
Hindi kami nagbibigay ng mga Serbisyo sa mga bata o nagkokolekta ng kanilang personal na datos.
Ang website ng MoneyGram ay maaaring magtaglay ng mga link sa mga website ng third-party. Kapag nag-click sa isang banner ng patalastas ng third-party o iba pang link sa website ng MoneyGram, ikaw ay mapupunta sa website ng third-party. Hindi kami responsable sa gawain sa pagkapribado ng ibang website o serbisyo.
Pangunahing sinasagawa ng MoneyGram ang negosyo nito gamit ang buong pag-aari na subsidiary na MoneyGram Payment Systems Inc., isang entity ng U.S. na nasa 1550 Utica Avenue South, Suite #100, Minneapolis, MN 55416 ("MPSI”). Kadalasang ang MPSI ang data controller kung may kinalaman sa paggamit ng mga Serbisyo, kabilang ang mga aktibidad sa marketing ng MoneyGram. Ang data controller para sa non-custodial wallet ay ang MoneyGram Software Services, Inc Registration Address: 1550 Utica Ave S Ste 100 Minneapolis MN 55416. Gayunpaman, maaaring ibang kumpanya ng MoneyGram ang magiging data controller depende sa iyong lokasyon at kung paano ka nakikipag-ugnayan sa MoneyGram. Halimbawa, kung gagamit ka ng mga Serbisyo sa European Economic Area (“EEA”), makikipag-ugnayan ka sa MoneyGram International SA, isang entity sa Belgium na may nakarehistrong address sa Rue Joseph Stevens BE-1000 Brussels (“MIS”), na siyang magiging data controller.
Mangyaring pindutin ito para sa listahan ng mga kompanya na mga tagakontol ng datos, depende sa iyom lokasyon at sa paran ng iyong pakikipag-ugnayan sa kanila.
Ilang sa mga kompanya ng MoneyGram ay nagtalaga ng isang opisyal sa proteksyon ng datos o katumbas nito (“DPO”), upang pamanahan ang pagproseso ng personal na datos. Mag-clickdito upang makita aling kompanya ang natalaga ng isang DPO, at kung gayon, paano makipag-ugnayan sa DPO.
Ang mga kategorya ng personal na datos ay depende sa iyong ugnayan at interaksyon sa amin. Maaaring kasama rito ang mga sumusunod:
- Impormasyon ng personal na pagkakakilanlan, tulad ng iyong pangalan, address ng tahanan at/o negosyo, e-mail address, numero ng telepono, petsa ng kapanganakan, kasarian, larawan, estadong marital, bansa ng pagkamamamayan, at numero sa pagkakakilanlan (hal., (mga) numero sa pambansang pagkakakilanlan at / o detalye ng pambansang ID);
- Detalye ng transaction at pinansiya, tulad ng datos ng paglilipat ng pera kaugnay sa nagpadala at tumanggap, detalye sa pagbabayad ng bill, at maging impormasyon sa bangko at credit;
- Impormasyon na kaugnay sa negosyo na tumutulong sa amin na magbigay ng mga Serbisyo sa iyo, tulad ng pagiging miyembro sa aming programa sa katapatan, paano mo gamitin ang mga Serbisyo, impormasyon ng employer, nais na paraan sa komunikasyon, o iyong pagpili sa marketing;
- Impormasyon sa technolohiya, tulad ng IP address, browser, impormasyon ng device, kasama na an pagakakakilanlan ng device at advertising ID ng device, datos sa paggamit ng mobile application, impormasyon na nakolekta sa pamamagitan ng mga cookie, pixel tag, kagamitan sa analisis ng browser, server log, web beacon, SDK at iba pang katulad na teknolohiya (sa kabuuang, mga cookie), iyong kasalukuyang lokasyon mula sa iyong mobile device, impormasyong demograpiko at datos sa closed-circuit television ("CCTV”). Ilan sa mga impormasyon ay kinokolekta sa pamamagitan ng mga cookie. Para sa detalye kung paano namin ginagamit ang mga cookie, mangyaring tingnan ang aming Abiso sa Cookie ; at
- Impormasyon sa pagsunod, tulad ng maaaring hilingin ng tagapagpatupad ng batas o alinsunod sa pamamaraan sa pagsunod sa mga legal na obligasyon at patakarang panloob tulad ng tungkol sa pag-iwas sa panloloko, anti-money laundering at mga parusa.
Kami ay nagkokolekta ng personal na datos direkta mula sa iyo, halimbawa, kapag nakipag-ugnayan ka sa aming call center, kompletong online form, pagrehistro sa aming mga programa sa katapatan, mag-apply para maging isang ahente, o ang paggamit ng Serbisyo.
Sa ibang sitwasyon, kinokolekta rin namin ang iyong personal na datos mula sa ibang tao o organisasyon tulad ng: nagpapadala sa paglilipat ng pera, ang aming mga third party na manininda, sanggunian ng pampublikong rekord (sanggunian mula sa pederal, estado o lokal na pamahalaan), mga katuwang at sangay ng MoneyGram, platform sa social media, ahente o kasosyo ng MoneyGram, depende sa iyong ugnayan sa kanila.
Dapat magkaroon kami ng legal na batayan sa pagproseso ng iyong data. Ipinapaliwanag namin ito sa talahanayan at sa kasunod na seksyon ng mga komunikasyon sa marketing sa ibaba. Ipinapaliwanag din namin ang aming mga layunin sa paggamit ng iyong data.
Batayan na ayon sa batas | Layunin ng Pagproseso |
Pagganap ayon sa kontrata - kami ay may obligasyon sa ilalim ng aming kontrata sa iyo. Upang maisagawa ang mga obligasyon na ito, kailangan naming gamitin ang iyong datos |
|
Pagtugon sa isang legal na obligasyon - bilang isang obligasyon, kami ay may obligasyon para sumunod sa mga batas, regulasyon at iba pang kinakailangan alinsunod sa naaayong batas Sa ilang kaso, kailangan naming gamitin ang iyong datos para matupad ang mga obligasyon na ito |
|
Layunin sa lehitimong negosyo (tinatawag na lehitimong interes) - maaari naming iproseso ang iyong datos kapag kinakailangan namin na makamit ang isang layunin sa negosyo, o kung saan ito kinakailangan ng isang tao para makamit ang kanilang layunin. Ipinaliliwanag namin sa kanang kolum anong mga interes ang amin, o ng iba, ay sinusubukang makamit kapag amin pinoproseso ang iyong datos. Aming pinoproseso ang personal na datos sa batayan ng lehitimong interes, kung kaya -- bilang kinakailangan ng batas sa proteksyon ng datos -- kami ay nagsagawa ng balanseng pagsusuri para idokumento ang aming interes, upang isaalang-alang ano ang epekto ng pagproseso sa mga indibidwal, at matukoy kung ang interes ng mga indibidwal ay higit sa aming interes sa pagsasagawa ng pagproseso. Maaari kang makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa balanseng pagsusuri na ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan gamit ang mga detalye sa Bahaging “Paano makipag-ugnayan sa amin”. |
|
Iyong pahintulot - aming hihingiin ang iyong pahintulot na gamitin ang iyong datos. Kapag hiningi naman ang iyong pahintulot, ipaliliwanag namin ang mga sitwasyon kung saan namin gagamitin ang iyong datos at ang layunin nito |
|
Ang pagkabigo na ibigay ang iying personal na datos kapag hiniling para sa pagganap ng kontrata, layunin sa negosyo, o pagtugon sa mga legal na obligasyon ay maaring pumigil sa amin na maisagawa ang aming gawain sa ilalim ng kontrata o aming layuning sa negosyo at/o sumunod sa aming legal na obligasyon, kung maaaring kailangan naming wakasan ang kontrata sa iyo.
Kung Paano Kami Nagpapadala ng Komunikasyon sa Marketing
Ang legal na batayan sa pagpapadala sa iyo ng mga komunikasyon sa marketing ay nakadepende sa iyong lokasyon at mga naaangkop na regulasyon. Nagsisikap kaming tiyakin na ang lahat ng komunikasyon ay may kinalaman at naaayon sa iyong mga kagustuhan.
Pahintulot:
Sa mga hurisdiksyon kung saan kinakailangan ang tahasang pahintulot, padadalhan ka lang namin ng mga komunikasyon sa marketing kung pinahintulotan mo kami. Kabilang dito ang:
- Pagpapadala ng mga komunikasyon sa marketing gamit ang email, SMS, o push notification na may mga offer, promosyon, coupon, o insentive na pinaniniwalaan naming interesado ka.
- Pagtiyak na iginagalang ang iyong mga kagustuhan at na hindi ka padadalhan ng mga komunikasyon na hindi mo paunang inaprubahan, alinsunod sa mga lokal na regulasyon.
Maaari mong bawiin ang iyong pahintulot anumang oras sa pamamagitan ng pagsunod sa opsyon sa pag-unsubscribe na nasa aming mga komunikasyon o direktang pakikipag-ugnayan sa amin sa privacyprogramoffice@moneygram.com..
Lehitimong Interes:
Kung customer ka na, maaari kaming magpadala sa iyo ng mga komunikasyon sa marketing maliban kung pipiliin mong tumanggi. Idinisenyo ang mga komunikasyong ito upang tiyaking alam mo ang mga nauugnay na produkto at serbisyo. Kabilang dito ang:
- Mga komunikasyon sa marketing gamit ang email o SMS na may mga offer, promosyon, coupon, o insentive mula sa MoneyGram na pinaniniwalaan naming interesado ka.
- Mga komunikasyon tungkol sa mga katulad na produkto o serbisyo na naaayon sa iyong mga nakaraang pakikipag-ugnayan o pagbili.
Maaari mong tanggihan ang mga komunikasyong ito anumang oras sa pamamagitan ng pag-follow sa unsubscribe link sa aming mga mensahe na direktang nakikipag-ugnayan sa amin sa privacyprogramoffice@moneygram.com., o pagsagot ng “STOP” sa isang SMS.
Mga Hurisdiksyon ng Pagtanggi:
Sa ilang partikular na hurisdiksyon, maaari kaming magpadala ng mga komunikasyon sa marketing bilang default basta’t may opsyon kang tumanggi anumang oras. Kabilang dito ang:
- Mga abiso tungkol sa mga pinakabagong produkto, serbisyo, o espesyal na promosyon ng MoneyGram maliban kung tahasan mong inihayag na ayaw mong makatanggap ng gayong mga komunikasyon.
Maaari mong tanggihan ang mga komunikasyong ito anumang oras sa pamamagitan ng pag-follow sa unsubscribe link sa aming mga mensahe na direktang nakikipag-ugnayan sa amin sa privacyprogramoffice@moneygram.com., o pagsagot ng “STOP” sa isang SMS.
Kontraktuwal na Pagganap:
Kung miyembro ka ng MoneyGram Plus Rewards™ loyalty program, maaari kaming magpadala sa iyo ng mga komunikasyong nauugnay sa programa. Kabilang dito ang:
- Mga offer, benepisyo, at reward na iniayon sa iyong membership bilang bahagi ng pagtupad sa aming mga obligasyon sa ilalim ng loyalty program.
- Mga update at abiso tungkol sa mga promosyon na partikular sa programa o mga eksklusibong deal ng miyembro, na ibinibigay ng MoneyGram paminsan-minsan.
Ipinapadala ang mga komunikasyong ito bilang bahagi ng iyong mga benepisyo sa pagiging miyembro at kinakailangan upang maihatid ang mga serbisyong nauugnay sa programa.
Ibinahabagi namin ang iyong personal na datos sa:
- Ang iba pang kompanya sa MoneyGram, sa partikular: MoneyGram International, Inc. (Texas, USA), MPSI, MIS at MoneyGram Poland Sp. z o.o. (Warsaw, Poland), para sa pagganap ng mga Serbisyo, panloob na pamamahala at regular na pag-uulat sa konteksto ng pagbabago ng organisasyon ng negosyo o pagbabago ng istruktura ng grupo, para sa suporta ng maintenance ng sistema, at para sa pag-host ng datos.
- Ang aming mga third-party provider, na karamihan ay nagpoproseso ng personal na datos para sa amin at ayon sa aming mga instruksyon. Kasama na rito ang mga provider ng serbisyong IT, provider ng serbisyo sa pag-audit at pagkontrol, serbisyong legal, pagbawi, pag-print, pagtapon ng mga dokumento, serbisyong koreo at pagpapadala, mga kompanya at organisasyon na nagbibigay ng serbisyo sa proteksyon sa panloloko, at aming mga ahente at third-party na provider na aming ginagamit para i-market ang aming Serbisyon o magbigay sa iyo ng mga personalisadong ad o ayon sa interes.
- Mga social media platform; YouTube , Tik Tok at Meta - para sa mga detalye kung paano namin ibinabahagi ang data sa Meta, tingnan dito.
- Ang mga bumili o iba pang humalili na may kaugnayan sa pagbenta, pag-aalis, pagbabago ng istruktura, pagbabago ng organisasyon, pagbubuwag, o iba pang pagbenta o paglilipat ng ilan o lahat ng aming mga pag-aari.
- Mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas, korte at pagpapatupad sa korte kung kailangan naming sumunod sa utos ng korte, batas o legal na proseso, kasama na ang pagtugon sa anumang hiling ng pamahalaan o regulasyon.
Ang MoneyGram ay may operasyon sa buong mundo, at kung gayon, ang personal na datos ay maaaring ilipat sa ibang bansa sa labas kung saan ito nagmula
Ang pandaigdigang punong tanggapan ng MoneyGram ay sa Estados Unidos, at ilan sa mga materyal na pagganap at sistema ay tumatakbo mula sa Estados Unidos, na ibig sabihin ilan sa mga personal na datosa y dapat na ilipat sa Estados Unidos. Maaari namin ilipat ang iyong personal na datos sa mga data center at call center ng MoneyGram sa Estados Unidos para sa pagpoproseso at pagtatago. Ang MoneyGram ay bumuo ng isang Kasunduan sa Pagbabahagi at Pagpoproseso ng Datos sa Pagitan ng Grupo upang magkaroon ng regulasyon ang daloy ng datos sa loob ng kompanya at mga sugnay sa paglilipat ng datos sa pagitan ng mga kasunduan sa pagproseso ng datos o pagbahagi ng datos sa mga third-party na nagbebenta.
Lahat aming mga paglilipat ng mga personal na datos ay sumusunod sa mga naaayong batas sa proteksyon ng datos. Kasama sa mga kasunduan na aming isinagawa sa pagitan ng MoneyGram at aming mga third-party na nagbebenta ay ang mga naaayong hakbang para masigurado ang na ang daloy ng datos at ang mga indibidwal ay maaaring isagawa ang kanilang karapatan sa proteksyon ng datos. Kasama rito ang mga pamantayang sugnay sa kontrata o iba pang kasunduan, kung aplikable sa ispesipikong bansa, at ibang hakbang na maaaring naaayon. Maaari rin kaming maglipat ng datos sa mga bansa na may sapat na lebel ng proteksyon sa personal datos ayon sa desisyon na hinalaw ng mga may kakayahang awtoridad, tulad ng desisyon sa pagiging sapat ng European Commission o ng United Kingdom.
Upang matuto pa tungkol sa aming paglilipat ng datos o para makatanggap ng kopya ng naaayong hakbang na aming hinalaw, mangyaring makipag-ugnayan sa amin gamit ang mga detalye sa pakikipag-ugnayan sa Bahaging “Paano makipag-ugnayan sa amin”.
Isini-save namin ang iyong personal na data hangga't kinakailangan upang ibigay ang hiniling na mga Serbisyo at upang matupad ang mga naaangkop na obligasyon sa legal, accounting, buwis o pag-uulat. Tinutukoy ang tagal ng pagpapanatili batay sa mga angkop na kinakailangan at obligasyon, na maaaring kinabibilangan ng:
- Mga kinakailangan ng batas at regulasyon na nauugnay sa mga Serbisyo: Pinapanatili ang iyong personal na data hangga't kinakailangan upang matugunan ang lahat ng legal na obligasyon, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga batas at regulasyon sa trade, buwis, at anti-money laundering. Kahit na pinapanatili namin ang iyong personal na data para lamang sa pagtupad sa mga legal na obligasyon, hindi gagamitin ang iyong data para sa anumang iba pang layunin.
- Customer service: Pananatilihin namin ang iyong personal na data sa loob ng panahong kinakailangan upang ipagtanggol ang MoneyGram laban sa mga potensyal na claim.
- Marketing: Ipoproseso namin ang iyong personal na data para sa mga layunin ng marketing hanggang sa isumite ang pagbawi sa pahintulot o pagtanggi sa komunikasyon sa marketing.
Kami ay gumagamit ng iba’t ibang mga matatag na hakbang na pisikal, teknikal, organisasyon at pangmamahala para protektahan ang iyong persomal na datos mula sa di-awtorisadong akses, pagkawala o pagbabago. Ikaw ay may mahalagang tungkulin sa pagproteksta ng iyong personal na datos. Mangyaring alagaan ang iyong impormasyon sa pag-login, kasama na ang iyong username sa account at password, at huwag itong ibahagi sa ibang tao. Ipagbigay-alam sa amin kaagad ang anumang hinihinalang hindi awtorisadong paggamit ng iyong account.
Depende sa at ayon sa naaayong batas, ikaw ay may ilang karapatan tungkol sa personal na datos na aming hawak. Ang mga karapatan na ito ay maaaring ang mga sumusunod:
- akses sa at pagkakaroon ng kopya ng iyong personal na datos,
- pagtatama ng iyong personal na datos kung ito ay hindi tama o hindi kompleto,
- pagbabawal sa pagproseso o pagbura ng iyong personal na datos (karapatan na kalimutan)
- paglilipat ng datos, kung ang pagproseso ay ginawa sa awtomatikong paraan ayon sa iyong pahintulot o sa pagganap ng kontrata,
- pagtutol sa pagproseso ng iyong personal na datos ayon sa lehitimong interes,
- pagbawi ng iyong pahintulot anumang oras; ang pagbawing ito ay hindi nakakaapekto sa pagiging ayon sa batas ng pagproseso ng iyong personal na datos na isinagawa bago ang pagbawi.
Kung ang naaayong batas sa iyong bansa ay nag-aalok ng ibang karapatan sa proteksyon ng datos, ikaw ay may karapatan na gamitin ang mga karapatan na ito alinsuod sa mga batas. Sisikapin namin na tumugon sa iyong hiling sa loob ng 30 araw, ngunit ang aming oras ng pagtugon ay maaaring mag-iba depende sa naaayong batas. Sa ilang sitwasyon, maaaring kami ay may pribilehiyo na pahabain ang panahon na ito pagkatapos kang bigyan ng abiso. Upang makatugon sa iyong hiling, maaaring kailangan naming kumpirmahin ang iyong pagkakakilanlan. Dahil dito, maaari naming hilingin sa iyo ang ilang ispesipikong impormasyon o beripikahin ka sa ibang paraan.
Mahalagang tandaan na maaaring may mga sitwasyon na hindi matutupad ng MoneyGram ang iyong kahilingan. Halimbawa, maaaring hindi burahin ng MoneyGram ang iyong personal na data kung kinakailangan pa ang data na iyon para sa mga unang layunin kung bakit ito kinuha at pinroseso, tulad ng pangangailangang panatilihin ang ilang personal na data para sa pagsunod sa mga legal na regulasyon.
Upang magawa ang mga karapatang iyong, makipag-ugnayan sa amin gamit ang mga detalye sa pakikipag-ugnayan sa Bahaging “Paano makipag-ugnayan sa amin”.
Maaari mong banggitin ang iyong pagpipilian sa marketing sa ibang paraan:
- Maaari kang huwag makatangap ng komunikasyon sa markeying mula sa aming anumang oras sa pamamagitan ng:
- sa pag-update ng iyong mga pagpipilian sa iyong profile sa MoneyGram o sa mobile na application,
- Pagpindot sa link na “unsubscribe sa ibaba ng email sa marketing ng MoneyGram,
- pagtugon ng “STOP” sa isang SMS.
- Maaari mong i-reset ang advertising ID ng iyong device sa pamamagitan ng paggamit ng menu ng “setting” sa iyong mobile na device.
Iba’t iba ang mga batas sa proteksyon ng datos ayon sa mga nasasakupan. Sa karamihan ng mga bansa, ikaw ay may pribilehiyo na maghain ng reklasmo sa kaugnay na awtoridad sa iyong bansa (saan ka nakatira, nagtatrabaho o saan ang hinihinalang problema sa pagkapribado ay naganap), kung ikaw ay may inaalala sa pagproseso ng iyong personal na datos o kung ang iyong karapatan ay hindi pa natutugunan.
Gayumpaman, hinihikayat ka namin na makipag-ugnayan muna sa amin para ibahagi ang iyong mga katanungan o alinlangan o para isagawa ang iyong karapatan. Para dito, maaari mong gamitin ang detalye sa pakikipag-ugnayan sa Bahaging “Paano makipag-ugnayan sa amin”.
Hindi kami gumagawa ng anumang desisyon ayon lamang sa awtomatikong pagproseso, katulad ng ng pag-profile, na nagreresulta ng legal o katulad ng epekto tungkol sa iyo.
Kami ay may karapatan na i-update ang Abisong ito anumangoras. Ang na-update na Abiso ay mahahanap sa website. Ipapaalam namin sa iyo ang malakihang update na nakaapekto sa iyo.
Kung ikaw ay may katanungan tungkol sa Abisong ito o sa aming gawain sa pagkapribado o nais mong isagawa ang alinman sa iyong karapatan sa proteksyon ng datos, mangyaring:
- mag-email sa amin sa privacyprogramoffice@moneygram.com.
- ipasa ang iyong katanungan sa pamamagitan ng nakatuong intake form,
ay kami ay malugod na tutulungan ka.
Maaari ka ring makipa-ugnayan sa amin sa aming nakarehistron address, tulad ng ibinigay sa dito. Gayumpaman, hinihikayat ka namin na makipa-ugnayan muna sa amin gamit ang ilan sa mga opsyon sa itaas.
Ang abiso sa ibaba ay nagpapahusay sa Abisong ito kaugnay sa naaayong batas sa proteksyon ng datos sa mga bansa / rehiyon at sa mga indibidwal sa mga bansa / rehiyon na iyon.
A. Turkey
1. Sino ang tagakontrol ng datos?
Mangyaring i-click ito para makita ang mga detalye ng tagakontrol ng datos sa Turkey, para sa layunin ng naaayong batas sa proteksyon ng datos na naaaron sa Türkiye, kasama ang Batas sa Proteksyon ng Personal na Datos No. 6698 of 7 April 2016 (ang "Batas”).
2. Bakit namin kinokolekta, ginagamit at tinatago ang iyong personal na datos?
Kinokolekta at pinoproseso namin ang iyong personal na datos sa pamamagitan ng awtomatiko, semi-awtomatiko at hindi awtomatikong paraan kung saan ang naturang pagproseso ay bahagi ng sistema ng pag-file.
3. Ano ang iyong mga pagpipilian at karapatan?
Dagdag sa impormasyon sa Abiso, ikaw ay may mga sumusunod na karapatan, at ayon sa batas kami ay tutugon sa iyong mga aplikasyon sa loob ng 30 araw:
- ang karapatan na hilingin ang abiso ng mga transaksyon kaugnay sa pagbubura/pagtatama na ipadala sa mga third party, kung saan ang iyong personal na datos ay ipinasa;
- ang karaptan na burahin ang iyong personal na datos kung alinman sa mga kondisyon na nakalista sa artikulo 7 ng Batas ay nakamit;
- ang karapatan na tumanggi na maganap ang isang sitwasyon na taliwas sa iyong interes na naganap bilang resulta ng pagsusuri ng iyong personal na datos sa pamamagitan ng awtomatikong sistema;
- ang karapatan na humiling ng kabayaran para sa pinsanlang naranasan bilang resulta ng iyong hindi makatarungan na pagproseso ng iyong personal na datos.
4. Paggamit at Interpretasyon sa Pangkalahatang Abiso sa Pagkapribado
Sa ilalim ng bahaging “Bakit namin kinokolekta, ginagamit, at tinatago ang iyong personal na datos” sa itaas,
- Ang legal na batayan ng “Lehitimong layunin sa negosyo (tinatawag na lehitimong interes)” ay pinakahulugan bilang aming (ang tagakontrol ng datos) at hindi ng ibang tao.
- Ang layunin ng “Iyong Pahintulot” ay ang mga sumusunod: para ipersonalisa ang mga content at ad, kung kinakailangan; upang padalaha ka ng komunikasyon sa marketing (sa pamamagitan ng email, SMS, o push notification) kasama ang mga alok, promosyon, kupon o insentibo na pinaniniwalaan naming may interes ka, upang pahintulutan ka na makilahok sa mga sweepstake, pakontes at katulad na mga promosyon, at para isagawa ang mga layunin na ito; at pamahalaan ang mga aktibidad; para ipakita at ibigay ang mga ad ayon sa iyong interes; para ma-sync ang iyong listahan sa kontak sa iyong account, at ikonekta ang iyong account sa isang third-party na platform.
Aabisuhan ka namin sakaling may bagong layunin na alinsunod sa Batas.
B. Mainland China
1. Anong kategorya ng itong personal na datos ang aming pinoproseso?
Ang senstibong personal na datos ay tumutukoy sa personal na datos, kung inilantad o ilegal na ginamit, ay maaaring magdulot sa paglabag sa dignidad ng isang tao o sa ikakapahamak sa kaligtasan ng kanyang katawan o pag-aari. Ang sensitibong personal na datos ay ang mga sumusunod:
- iyong (mga) numero sa pambansang pagkakakilanlan at detalye sa pambansang ID,
- Imahe ng iyong mukha
- iyong social securiy o iba pang (mga) numero sa pagkakakilanlan sa nagbabayad ng buwis.
- iyong detalye sa pagbabangko,
2. Ano ang iyong mga pagpipilian at karapatan?
Sa ilalim ng Batas sa Proteksyon sa Personal na Impormasyon (Personal Information Protection Law o “PIPL”), dagdag sa mga karapatan sa Abiso sa itaas, maaari kang humiling na ang personal na datos ay ilipat sa isang tagakontrol ng datos na iyong itinalaga, at maaaring kang magtanong sa amin para ipaliwanag ang patakaran sa pagproseso ng personal na datos
Kami ay tutugon sa isang hiling kung ginawa mo ang iyong karapatan sa personal na datos sa loob ng 20 araw.
Dagdag sa mga karapatan na inilista sa Abiso, ikaw ay may karapatan na ipagbawal ang paggamit ng iyong personal na datos para sa layunin ng direktang marketing.
C. Hong Kong
1. Ano ang iyong mga pagpipilian at karapatan?
Sa ilalim ng Ordinansa sa Personal na Datos (Pagkapribado) (Cap. 486), ikaw ay may pribilehiyo lamang sa karapatan sa pag-akses sa, at humiling sa pagtatama ng iyong personal na datos.
D. Ang CCPA at VCDPA
Ang Batas sa Pagkapribado ng Consumer sa California (California Consumer Privacy Act) ng 2018 (na inamyendahan ng California Privacy Rights Act of 2020) at ang nagpapatupad nitong regulasyon (sa kabuuan, ang “CCPA”); ay nagtataglay ng ilang termino na gnagamit sa suplementong ito na may ibinigay na kahulugan sa CCPA.
Ang impormasyon na isinama sa suplemento at Abisong ito ay ia-update nang hindi bababa sa isang beses kada labindalawang (12) buwan upang ipakita ang mga pagbabago sa aming negosyo at obligasyon sa batas o regulasyon, kaya mangyaring tingnan ang Abisong ito pana-panahon para sa mga pagbabago.
1. Anong kategorya ng ng mga personal na datos ang aming pinoproseso?
Maaari naming kolektahin ang mga sumusunod na kategorya ng personal na impormasyon:
- Pagkakakilanlan: mga pagkakakilanlan, tulad ng tunay na pangalan, alyas, address sa koreo, natatanging such as a real name, alias, postal address, natatanging personal na pagkakakilanlan (hal., device identifier, natatangin huwad a pangalan, o user alias/ID), numero ng telepono, pagkakakilanlan online, Internet Protocol address, email address, pangalan ng account, numero ng Social Security, numero ng lisensiya sa pagmamaneho, numero ng pasaporte, petsa ng kapanganakan, at iba pang katulad na pagkakakilanlan.
- Karagdagang Datos alinsunod sa Cal. Civ. Code § 1798.80: pirma, pisikal na pagkakakilanlan o paglalarawan, numero ng card ng pagkakakilanlan sa estado, numero ng policy ng insurance, edukasyon, numero ng account ng bangko, at iba pang pinansiyal na institusyon, medikal na impormasyon, at impormasyon sa insurance pangkalusugan.
- Protektadong Klasipikasyon: katangian ng mga protektadong kalsipikasyon sa ilalim ng pederal na batas at ng batas ng California, tulad ng lahi, kulay, kasarian, pagkakakilanlan ng kasarian, estadong marital, kapansanan, at estado bilang militar o beterano.
- Aktibidad Online: Impormasyon sa internet at iba pang gawain sa elektronikong network, tulad ng, ngunit hindi limitado sa, kasaysayan ng pag-browse, kasaysayan ng mga hinanap, at impormasyon tungkol sa iyong interaksyon sa mga website at aplikasyon.
- Impormasyon sa Pandama: audio, elektroniko, biswal, at katulad na impormasyon.
2. Bakit namin kinokolekta, ginagamit, at tinatago ang iyong personal na datos?
Dagdag sa impormasyon sa Abiso, pinoproseso namin ang iyong personal na impormasyon para sa mga sumusunod na “layunin sa negosyo” ayon sa inilarawan ng CCPA”
- Auditing, kasama ang pagtugon sa auditing .
- Pagsasagawa ng maiksi at pansamantalang paggamit.
- Pagtulong sa pagsigurado sa seguridad at integridad.
- Pag-debug upang matukoy at maayos ang mga error na nakakapinsala sa umiiral na nais na pagganap.
- Pagsasagawa ng panloob na pagsusuri para pagpapaunlad ng teknolohiya at pagpapakita ng teknolohiya.
- Pagsasagawa ng mga aktibidad para beripikahin o panatilihin ang kalidad o kaligtasan ng mga serbisyo o device na pagmamay-ari, minamanupaktura, minanipaktura para sa amin o aming kinokontrol, at para mapaghusay, ma-uprade, o mapaganda ito.
Hindi namin kinokolekta o pinoproseso ang sensitibong personal na impormasyon na may layunin na hulaan ang mga pagkakakilanlan ng mga indibidwal.
Sa abot ng aming proseso ng hindi tukoy na impomasyon, pananatilihin at gagamitin namin ang impormasyon sa pormang hindi tukoy at hindi susubukang muling kilalanin ang impormasyon maliban kung pinahihintulutan ng naaayong batas.
3. Paano namin ibinabahagi ang iyong personal na datos?
Dagdag sa impormasyon sa Abiso, maaaring nailahad namin ang mga sumusunod na kategorya ng mga personal na impormasyon para sa layunin sa negosyo sa mga sumusunod na kategorya ng mga third party:
Kategorya ng Personal na Impormasyon |
Kategorya ng mga Third Party |
Pagkakakilanlan |
|
Karagdagang Datos alinsunod sa Cal. Civ. Code § 1798.80 |
|
Protektadong Klasipikasyon |
|
Impormasyon sa Biometric |
|
Aktibidad Online: |
|
Impormasyon sa Pagtatrabaho |
|
Mga Hinuha |
|
Hindi kami nagbebenta o nagbabahagi ng personal na impormasyon ng indibidwal sa layunin ng cross-context na behavioral advertising.
4. Paano makipag-ugnayan sa amin?
Upang magpasa ng hiling bilang isang awtorisadong ahente sa ngalan ng isang indibidwal, mangyaringmakipag-ugnayan sa amin gamit ang mga detalye sa pakikipag-ugnayan sa Bahaging “Paano makipag-ugnayan sa amin” sa Abiso sa itaas.
Mga Hiling sa Pagbeberipika. Upang tulungan ang iong pagkapribado at mapanatili ang seguridad, kami ay magsasagawa ng mga hakbang para beripikahin ang iyong pagkakakilanlan bago bigyan ng akses sa iyong personal na impormasyon o sa pagsunod sa iyong hiling.
Maaari naming beripikahin ang iyong pakakakilanlan sa pamamagitan ng pag-sign in sa iyong account sa kompanya ng MoneyGram. Kung walang account sa kompanya ng MoneyGram at humiling ka ng akses sa, pagtatama ng o pagbura ng iyong personal na impomasyon, maaaring hilingin ka namin na beripikahin ang iyong email address at/o magbigay ng impormasyon tungkol sa iyong petsa ng pagtatrabaho sa MoneyGram, mga dating pagbayad mula sa MoneyGram, dating pakikipag-ugnayan sa MoneyGram, o iba pang detalye tungkol sa iyong trabaho para sa o relasyon sa MoneyGram.
Dagdag pa, kung wala kang account sa kompanya ng MoneyGram at humiling ka na bigyan ka ng mga ispesipikong bahagi ng personal na impormasyon, kakailanganin ka namin na pumirma ng deklarasyon, na may parusang perjury, na ikaw ay ang indibidwal na ang personal na impormasyon ay alinsunod sa iyong hiling.
Karagdagang Impormasyon. Kung nais mong gawin ang iyong karapatan sa ilalim ng CCPA, ikaw ay may karapatan na hindi makatanggap ng diskriminasyong pagturing mula sa amin. Ayon sa pinahihintulutan ng batas, maaari kaming mangingil ng makatwirang singil para tumugon sa iyong hiling.