Tiyakin na ang tao o ang kompanya na iyong papadalhan ng pera (o ang taong iyong kinakatawan sa pagpapadala ng pera) ay iyong kilala at pinagkakatiwalaan. Panatiliin ring kompidensyal ang mga impormasyong may kinalaman sa iyong transaksyon. Kapag napadala na ang pera sa taong iyong tinukoy na receiver, hindi na ito maaaring mai-cancel o ma-refund. Kung kailangan mong mag-cancel o may palitan sa isang transaksyon, tumawag sa MoneyGram o kontakin ang MoneyGram agent na nagpadala ng transaksyon para sa iyo.
Ang MoneyGram ay naghahatid ng isang episyente at mabilis na paraan ng pagpapadala ng pera sa buong mundo. Sa kasamaang-palad, ang aming mga serbisyo ay ginamit ng ilang manggagantso, upang linlangin o lokohin ang mga consumer sa ilang uri ng mga scam.
Magduda kapag nakatanggap ng ilan sa mga sumusunod:
• Isang tseke o money order na ipinadala sa iyo, na may direksyon na i-cash ang aytem sa iyong bangko, at magpadala ng ilang bahagi ng pondong natanggap papunta sa ibang tao gamit ang MoneyGram. Kapag ang tseke ay peke, ikaw ay pagbabayarin ng iyong bangko. Mag-ingat, lubhang mahirap matukoy ang mga pekeng tseke.
• Isang tawag sa telepono na ikaw ay nanalo ng pera o ng isang premyo at ikaw ay kinakailangang magpadala ng pera upang magbayad ng buwis, mga customs fee, atbp.
• Isang sagot sa iyong anunsyo sa diyaryo para sa isang nawawalang alagang hayop o personal na mga aytem, dahil kilala ang mga manloloko na gumagamit ng classified ads upang kumontak sa mga tao at magpanggap na nahanap nila ang kanilang mga nawawalang aytem.
• Isang payo mula sa isang taong hindi kilala na magpadala ng pera sa isang kaibigan o kamag-anak bilang pagpapakita ng “pagtitiwala” dahil ang lehitimong pagnenegosyo ay hindi isinasagawa sa ganitong paraan. Ikaw ay sasabihan na kapag ang pera ay ipinadala sa pangalan ng isang kaibigan ay hindi nila makokolekta ang pondo. Hindi ito totoo. Ang mga manloloko ay kadalasang gumagamit ng pekeng identification upang magpanggap bilang ibang tao.
• Isang email na mistulang nanggaling mula sa MoneyGram, gaano man ka-totoo ang itsura nito. Hindi kami Internet escrow o shipment service at hindi kami KAILAN MAN magpapadala ng email confirmation upang ipagbigay-alam sa isang tao na siya ay nakatanggap ng pera sa pamamagitan ng MoneyGram bilang bayad sa isang bagay na binili mula sa Internet.
• Mga direksyon na dayain ang MoneyGram ay malinaw na babala na ito ay isang bagay na mali. Ang mga manloloko ay pamilyar sa mga pagsisikap ng MoneyGram na pigilan ang mga pandaraya. Kapag may nagsabi sa iyo na huwag magbigay sa MoneyGram ng mga detalye ukol sa inyong transaksyon, huwag nang ipagpatuloy ang transaksyon.
Narito ang ilang paraan upang maprotektahan ang iyong sarili:
• Sa pagbili ng mga aytem sa Internet. Maging maingat sa pagpapadala ng pera bilang bayad sa mga bagay na binili sa Internet. Maraming mga Internet auction site ang naghahatid ng isang ligtas na sistema ng pagbabayad na nagbibigay ng higit na proteksyon para sa bumibili at nagbebenta.
• Sa paggamit ng MoneyGram® money transfer service. Para sa kaginhawahan ng aming mga customer, ang ilang transaksyon na ipinadala sa isang espesipikong destinasyon ay maaaring matanggap sa ibang bansa. Huwag isiping ligtas ang iyong money transfer dahil nagtukoy ka ng isang bansa para sa transaksyon. At kung ang pinadalhan ay mayroong photo identification at may alam na kaugnay na impormasyon ukol sa transaksyon at sa nagpadala, ang reference number o ang sagot sa isang test question ay maaaring hindi na kailanganin upang i-pick-up ang transaksyon. Maging maingat kung kanino magpapadala ng pera, panatiliing kompidensyal ang mga impormasyon ukol sa transaksyon, at huwag agad magtitiwala sa sino mang magnanais na ikaw ay magpadala ng pera sa kanila (o sa iba pang tao) nang mayroong test question.
• Huwag maniniwala kaagad. Magsaliksik nang maigi bago magpadala ng pera bilang tugon sa isang anunsyo sa diyaryo o magasin para sa mga tiket sa eroplano, concert, atbp. Ganito rin naman para sa mga nag-aalok ng utang o credit card na humihiling na kayo ay magpadala ng pera bilang bayad bago pa man pumirma ng mga dokumento. Huwag kaagad magtitiwala sa mga murang deal. Hindi matitiyak sa inyo ng MoneyGram na matatanggap ninyo ang mga aytem o serbisyong inyong babayaran.
Narito ang ilang available na sangguni sa Estados Unidos:
• I-report ang mga panloloko. Upang i-report ang mga panloloko sa Internet Fraud Complaint Center, bumisita sa www.ic3.gov/. Ito ay isang pakikipagtulungan sa pagitan ng FBI at ng National White Collar Crime Center. Para sa listahan ng iba’t-ibang uri ng scheme ng panloloko o para mag-report ng isang panloloko, maaari kang bumisita sa www.consumer.gov/sentinel.
• Tumawag bago ka magpadala ng pera. Kung ikaw ay may pag-aalinlangan, kontakin ang Better Business Bureau, AARP o ang iyong lokal na Attorney General bago magpadala ng pera.
• Mga panloloko sa Canada. Maraming scam ang humihiling na magpadala ng pera sa Canada. Para sa mga isyu sa Canada, tawagan ang PhoneBusters nang toll-free sa 1-888-495-8501 - ito ay isang pakikipagtulungan sa pagitan ng U.S. at Canada upang labanan ang mga panlolokong kaugnay ng telemarketing.
